Sa walong lenggwahe (Ingles, Wikang- Intsik,Portuges, Thai,Tagalog,Kastila,
Wikang-Koreano,Indunisyan)puwedeng kumonsulta sa kapisanan ng Sanggunian para sa mga Dayuhan ( Foreigner Consultation Center) at tinatanggap ang mga sangguni ninyong lahat, na nauukol sa batas, trabaho o hanapbuhay, kasal, edukasyon at iba pang mga bagay-buhay sa kabuuan.
Pwedeng kumonsulta nang personal, sa telepono o sa anumang paraang mabuti para sa inyo. Libre ang konsulta at mahigpit naming itatago ang mga dapat ninyong ilihim.
Para sa mga mangangailangan ng konsultasyon ng mga dalubhasa tungkol sa batas, nagdaraos po kami ng libreng pagtitipong konsulta sa abogado, dalawang beses isang buwan. (Kailangang makipag-appointment).